April 15, 2026

Home BALITA

Siwalat ni Sen. Imee: 'May sakit si Bongbong!'

Siwalat ni Sen. Imee: 'May sakit si Bongbong!'
Photo Courtesy: Imee Marcos (FB), via MB

Ginatungan ni Sen. Imee Marcos ang mainit na usap-usapan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ng utol niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Lunes,Abril 13, sinabi niyang bagama’t matagal na umano silang hindi nagkikita ng kapatid, batid umano niyang may sakit ito.

“Ang alam ko lang, may sakit si Bongbong. 'Di ba November pa sinabi ko do'n sa harap ng ating mga kapatid na Iglesia na may problema. Dalawang buwan, sinugod na sa ospital ilang beses. Namayat na,” saad ni Sen. Imee.

Kaya naman pinayuhan niya ang kapatid na pagpapagaling na muna ang atupagin nito

Aniya, “Alam naman ninyo lagi naman akong totoo sa publiko. Hindi naman ako nambobola. Hindi naman ako nagdadagdag. Ang akin lamang, 'yong katotohanan.”

3 FB accounts, pinakakasuhan ng PCO hinggil sa isyu ng kalusugan ni PBBM!

Matatandaang nauna nang pinabulaanan ng Malacañang ang kumalat na haka-haka na may stage 4 cancer umano si Marcos, Jr.

Maki-Balita: ‘Maayos po siya!’ Palasyo, pinasinungalingan isyung may sakit si PBBM-Balita

Ngunit noong Enero ay sumailalim ang Pangulo sa medical observation sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City matapos umano nitong makaranas ng discomfort dulot ng Diverticulitis.

Maki-Balita: ‘Wag muna kayo masyadong excited!’ PBBM binunyag ang sakit, hindi raw life threatening