May 22, 2026

Home FEATURES BALITAnaw

BALITAnaw: Duet performance na halos mukbangin ni Jennifer Holliday si Jessica Sanchez

BALITAnaw: Duet performance na halos mukbangin ni Jennifer Holliday si Jessica Sanchez
Photo courtesy: Screenshots from American Idol (YT)

Hindi nabigo ang mga netizen na humulang ang tatanghaling grand winner ng "Your Face Sounds Familiar Season 4" ay ang "Birit Duo" na sina JM Dela Cerna at Marielle Montellano "JMielle, matapos ang grand showdown ng celebrity contestants para sa kanilang finale.

Sa kanilang huling pangmalakasang performance, ginaya nina JM at Marielle ang iconic duet performance nina Grammy winner Jennifer Holliday at noo'y "American Idol" season 11 grand finalist na si Filipina-American singer Jessica Sanchez kung saan inawit nila ang kantang “And I’m Telling You I'm Not Going” na umani ng matinding reaksiyon mula sa live audience at social media, dahil sa "bakulawan" nila.

Naging trending sa social media ang naging performance ng JMielle at naging hot topic pa ng content creators at vloggers.

Matapos ang lahat ng performances, nakuha ng tambalan ang titulo matapos makapagtala ng pinakamataas na pinagsamang iskor na 94% mula sa kanilang mga nakaraang performances, bukod pa sa pagkuha ng pinakamataas na jury score sa mismong grand showdown. Sa kabuuan ng season, tatlong beses silang naging weekly winners sa paggaya sa iba't ibang music icons.

Ipinahayag ng duo ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa production team at sa programa sa tiwalang ibinigay sa kanila upang maisagawa ang iba’t ibang hamon at iconic transformations sa buong season.

BALITAnaw

BALITAnaw: Mga dati at kasalukuyang senador na minsan nang nakulong sa gitna ng kanilang termino

Pinasalamatan din nila ang isa’t isa, na binigyang-diin ang kanilang matibay na samahan, pagsisikap, at suportahan mula simula hanggang sa huli ng kompetisyon.

Bilang grand winners, kanilang naiuwi ang ₱1 milyong cash prize.

Para sa grand showdown, ginaya ni Jason Dy si Beyoncé, si Jarlo Base bilang Freddie Mercury, si Alexa Ilacad bilang Shakira, si Dia Mate bilang Rihanna, si Akira Morishita bilang Justin Timberlake, at si Rufa Mae Quinto bilang Katy Perry.

Nakatanggap ng special awards ang bawat celebrity contestants bilang pagkilala sa kanilang performances.

Ang bumuo sa jury panel ay sina Erik Santos, Karla Estrada, ang mentors na sina Nyoy Volante at YFSY season 3 grand winner na si Klarisse de Guzman, at original jury na sina Ogie Alcasid at Gary Valenciano. Hindi naman nakadalo sa grand showdown si Megastar Sharon Cuneta.

Nagkaroon naman ng special performance ang dating host ng YFSF na si Billy Crawford.

Maki-Balita: Champion ulit! Birit Duo 'JMielle,' grand winner ng Your Face Sounds Familiar 4

Parehong naging contestants ng "Tawag ng Tanghalan" sa noontime show na "It's Showtime," sina JM at Marielle din ang kauna-unahang grand winner ng "TNT Duets" noong 2023. Kilala ang duo nila sa pangalang "Sidlak Bisdak" dahil pareho silang Bisaya.

Maki-Balita: Marielle Montellano at JM dela Cerna, itinanghal na ‘TNT Duets’ champions

ANG ICONIC PERFORMANCE NINA JENNIFER HOLLIDAY AT JESSICA SANCHEZ

Matapos ang naging performance ng JMielle, agad na binalikan ng mga netizen ang old videos sa YouTube ng naging biritan nina Jennifer at Jessica upang tingnan at pagkumparahin kung nagaya nga ba nila ang dalawang singer.

Convinced naman ang mga netizen na na-achieve nila ang panggagaya, lalo na kay JM, na isang lalaki.

Hindi raw kasi biro ang ginawa ni JM na paggaya sa music legend na si Jennifer, lalo na ang boses nito.

Gayundin naman daw si Marielle na nagaya rin ang timbre ng boses ni Jessica, lalo na raw kung pipikit at pakikinggan lang siya.

Kung babalikan ang circa ng performance ng dalawa, nag-trending din ito sa Twitter at talaga namang pinag-usapan ang halos "paglamon" ni Jennifer kay Jessica sa entablado, lalo na sa kaniyang facial expression.

Pero hindi raw nagpalamon si Jessica kay Jennifer dahil talaga namang lumaban din siya ng birit sa award-winning theater actress-singer.

Well, runner-up man si Jessica sa American Idol, lumikha naman siya ng ingay nang tanghaling grand winner sa America's Got Talent (AGT) noong 2025; at partida, buntis at ilang araw na lang ang hinihintay bago siya manganak nang makamit niya ang panalo sa nabanggit na TV competition.