Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang highest heat index ngayong Huwebes, Abril 9, sa Catarman, Northern Samar.
Kung saan naitala ang 43 °C sa Catarman, habang 42 °C naman sa Dumangas, Iloilo; Zamboanga City, Zamboanga del Sur; at Cotabato City, Maguindanao.
Ayon sa PAGASA, nasa danger level ang mga naturang lugar kung saan maaaring maranasan ang heat cramps at heat exhaustion. Kung patuloy ang pagkakababad sa init ay maaari namang mauwi sa heat stroke.