May 06, 2026

Home BALITA

PBBM, magbibigay ng ₱200K sa bawat barangay

PBBM, magbibigay ng ₱200K sa bawat barangay
Photo Courtesy: Screenshot from Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (FB), via MB

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang opisyal na paglulunsad ng “Bawat Barangay Makinabang Program.” 

Sa video statement ni Marcos, Jr. nitong Martes, Abril 7, sinabi niyang nilalayon umano ng programa na mabigyan ng ₱200,000 ang kada barangay sa Pilipinas.

Anang Pangulo, “Hangad ng programang ito na mabigyan ng tigdadalawandaang libong piso ang bawat barangay. Isandaang libo ang maaari n'yong gamitin para sa educational assistance.”

“At isandaang libo naman para sa piling capital outlay projects para sa ikauunlad ng inyong barangay,” dugtong pa niya.

Kabilang umano sa mga ito ang mga gamit para sa paglilingkod sa publiko gaya ng patrol vehicle, printer, computer, at solar street lamp. 

Politics

Habang nagtatago: Sen. Bato, nagkasa ng mga panukalang batas sa Senado

“Kaugnay ito ng programang road to zero illiteracy, one barangay at a time. At ang ating layunin na maihatid ang serbisyo ng pamahalaan sa lahat ng sulok ng bansa,” saad ni Marcos, Jr.

Kaya naman nanawagan ang Pangulo sa lahat ng mga pinuno ng mga lokal sa bansa, sa pangunguna ng Liga Ng Mga Barangay Sa Pilipinas, na ipatupad ang programa nang buong puso, marangal, at may malasakit.