Iraratsada ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ang libreng sakay para sa lahat ng pasahero sa darating na Huwebes, Abril 9, bilang paggunita sa ika-84 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.
Ayon sa anunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Lunes, Abril 6, ang libreng sakay ay epektibo mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM; at 5:00 PM hanggang 7:00 PM.
Saad pa ng pamunuan ng LRTA, layon ng inisyatibang ito na makiisa sa pag-alala sa kagitingan, sakripisyo, at kabayanihan ng mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa mga pananakop.
Matatandaan namang una nang inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) - Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) noong Miyerkules, Abril 1, ang kanila ring pa-libreng sakay para naman sa mga beteranong Pilipino mula Abril 6 hanggang 11.
MAKI-BALITA: MRT-3, may libreng sakay sa mga beteranong Pilipino mula Abril 6-11