Nagsampa ng criminal complaint si Quezon City 5th District Counselor Alfred Vargas at kaniyang asawa na si Yasmine Vargas sa mga magulang ng menor de edad na umano'y nambully at nang-abuso sa kanilang anak na lalaki.
“Taking a firm stand against the culture of silence in bullying, Quezon City Councilor Alfred Vargas and his wife, Yasmine, filed a criminal complaint on Monday against the parents of a minor who allegedly bullied and abused their son during swimming activities,” saad sa inilabas na joint statement ng mag-asawa sa social media noong Lunes, Abril 13.
Ang reklamo ay inihain sa Office of the City Prosecutor of Manila dahil sa umano’y paglabag sa section 10 (a) ng Republic Act No. 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”
“The complaint, filed before the Office of the City Prosecutor of Manila, cites respondents Juvelle Bacosa and Robert Vincent Sy for violation of Section 10(a) of Republic Act No. 7610, or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act,” saad pa sa pahayag.
Binanggit pa rito na ang legal na aksyon ay bunsod ng umano’y paulit-ulit na panunulak at paghawak ng umano’y bully sa anak nina Alfred at Yasmine sa kasagsagan ng kanilang swimming training sessions at sa kabila ng mga paalala at naunang apela ng mag-asawa sa mga magulang ng menor de edad, nagpatuloy pa raw ang mga umano’y insidente ng bullying.
Dahil dito, binanggit sa reklamo na nabigong gampanan ng mga magulang ng umano’y bully ang ang kanilang legal na tungkulin na disiplinahin ang kanilang anak bagama’t may kaalaman na ang mga ito sa paulit-ulit na pangyayari at panganib nito.
Kaya sa pagsampa ng reklamong ito, hiling ng mag-asawa na magsilbi itong ehemplo ng pagtindig para sa mga pamilyang nagdurusa mula sa bullying at anumang pang-aabuso.
Karugtong ng pahayag, pinasalamatan ni Alfred ang Ateneo community para sa mga mensahe ng pagsuporta bagama’t ang umano’y mga insidente ng bullying ay naganap sa labas ng pamantasan.
“I would like to thank the Ateneo community for their messages of support and concern,” pagkilala ng konsehal.
“The bullying incidents happened OUTSIDE the school premises and I am grateful to the university administration for keeping our campus a safe and inclusive place for our children,” dagdag pa niya.