April 15, 2026

Home OPINYON Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Tayo rin si ‘Barabbas’

#KaFaithTalks: Tayo rin si ‘Barabbas’
The Passion of Christ/YouTube

Isaiah 53:5
Siya ay nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, at binugbog dahil sa ating mga kasalanan.

Matthew 27: 16-17
Si Jesus Barabbas ay isang kilalang bilanggo noon. Nang magkatipon ang mga tao ay tinanong sila ni Pilato “Sino ang ibig ninyong palayain ko, si Jesus Barabbas, o si Jesus na tinatawag na ‘Cristo?’"

Si Jesus Barabbas ay isang bilanggo na nabanggit sa Bibliya. Kilala siya bilang isang kriminal at rebelde.

Sa pagharap nina Barabbas at Jesus kay Poncio Pilato, pinapili niya ang mga tao kung sino ang palalayain sa kanilang dalawa. 

Sa harap ng mga tao, malinaw kung sino ang may sala at kung sino ang inosente. Ngunit sa huli, ang may sala ang pinalaya at ang inosente ang nagdusa—pinili na palayain si Barabbas at ipako sa krus si Jesus. 

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Magtitiwala kahit malabo, kahit sinusubok

Ngunit, kung pagninilay-nilayan si Barabbas, tayo rin ay siya.

Kagaya niya tayo ay nagkasala, karapat-dapat parusahan, hindi perpekto, hindi matuwid, at hindi dapat na maging malaya.

Walang tanikala.
Walang latigong bumaon sa katawan.
Walang ipinatong na koronang tinik.
Walang krus na pinasan.
Walang dugo ang dumanak. 

Si Jesus ang tumanggap ng lahat nang ito: Ang tanikala, latigo sa katawan, koronang tinik sa ulo, pagpasan ng krus, at pagdanak ng dugo upang tayo ay makalaya sa ating kasalanan. 

Dahil sa Kaniyang pagkamatay sa krus, nabayaran na ang ating kasalanan at tayo ay naging malaya na—at ang kalayaang ito ay hindi lamang dapat tanggapin, ito ay isang paanyaya na mamuhay nang may pagsunod, pasasalamat, at pagbabago ng buhay.

Kaugnay na Balita: Semana Santa: Ang apat na boses na ating naririnig

Kaugnay na Balita: Semana Santa: Ang makilala si Kristo at lubos pa Siyang makilala

Kaugnay na Balita: Semana Santa: Maglingkod sa Diyos kahit walang nakakakita

Kaugnay na Balita: Semana Santa devotional: Ang pagmamahal at pagpapatawad ng Panginoon

Kaugnay na Balita: Semana Santa devotional: Ang mamahaling pabango

Kaugnay na Balita: Semana Santa devotional: Purihin ang Diyos!