April 15, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Daniel Padilla, present sa birthday ni Kaila Estrada

Daniel Padilla, present sa birthday ni Kaila Estrada
Photo Courtesy: Alex Vince Lopez

Naispatan si Kapamilya star Daniel Padilla sa 30th birthday celebration ng rumored girlfriend niyang si Kapamilya actress Kaila Estrada.

Sa latest Instagram post ng kaibigan ni Kaila na si Alex Vince Lopez noong Martes, Marso 17, makikita ang serye ng mga larawan na kuha sa mismong party. 

Isa sa mga ito ay picture nina Kaila at Daniel nang magkasama.

“Kai turns 30 ,” saad ni Alex sa caption.

Komento naman ni Kaila, “What a night!!!”

Relasyon at Hiwalayan

Franki Russell, Enrique Gil naantala ang pagkakamabutihan

Matatandaang matagal nang umuugong na may namamagitan na kina Daniel at Kaila simula nang magkasama sila sa action series na “Incognito.”

Sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Setyembre 2025, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz na mag-jowa na umano ang dalawa.

Maki-Balita: Daniel Padilla, Kaila Estrada mag-jowa na, ispluk ni Ogie Diaz

Ngunit nang tanungin si Daniel ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe sa isang panayam, hindi niya itinanggi o pinabulaanan ang nasabing tsika.

Sabi lang niya, “Huwag n’yo na muna kaming kulitin, just let it be. Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay. And again, ayaw ko siyang maging showbiz, e. Well 'di pa rin naman maiiwasan 'di ba pero may choice pa rin naman ako, 'di ba?”

Maki-Balita: Ayaw magpaka-showbiz! Daniel Padilla, naurirat kung may jowa na

Samantala, si Kaila naman ay nananatili pa ring tikom ang bibig sa real score nila ni Daniel.