March 18, 2026

Home BALITA Probinsya

Buntis na PWD, natagpuang patay at halos maputol ang ulo!

Buntis na PWD, natagpuang patay at halos maputol ang ulo!

Halos maputol na ang leeg ng isang babaeng buntis at person with disability (PWD) nang matagpuan ang wala niyang buhay na katawan sa isang masukal na lugar sa Norala, South Cotabato.

Ayon sa mga awtoridad, malalim ang tinamong sugat ng 34 taong gulang na biktima sa kaniyang leeg na nagdulot ng kaniyang agarang pagkamatay.

Narekober din ang sinasabing itak na posibleng ginamit na pagpatay laban sa biktima.

Samantala, ayon sa ulat ng isang local radio station mula sa Koronadal, bagama't wala pang naaresto ang mga awtoridad ay inihayag nilang mayroon na raw silang minamatahang person of interest sa karumal-dumal na pagpatay laban sa biktima.

Ayon sa mga ulat, naiuwi na ang bangkay ng biktima kasama ang mga labi ng sanggol na nasawi rin habang nasa kaniyang sinapupunan. 

Probinsya

Erpat na naaktuhang bumabatak ng shabu, sinaksak ng tinedyer na anak; patay!

Sinasabing inilagay na rin ang mga labi ng sanggol sa loob ng kabaong ng kaniyang ina. 

Sa kasalukuyan, patuloy ang pangangalap ng mga ebidensya ng pulisya upang pormal na maisampa ang kaso.