April 16, 2026

Home BALITA Probinsya

Erpat na naaktuhang bumabatak ng shabu, sinaksak ng tinedyer na anak; patay!

Erpat na naaktuhang bumabatak ng shabu, sinaksak ng tinedyer na anak; patay!
MB File Photo

Patay ang isang 47-anyos na ama matapos umano siyang saksakin ng sarili niyang anak na menor de edad sa Batangas City kasunod ng mainitang pagtatalo hinggil sa umano’y paggamit ng una ng ilegal na droga.

Sa ulat ng ABS-CBN News, kinilala ang biktima bilang residente ng Barangay Sta. Clara, na agad na binawian ng buhay matapos magtamo ng malalim na saksak sa leeg.

Batay sa imbestigasyon ng Batangas City Police Station, naganap ang insidente bandang 2:00 ng hapon noong Lunes, Marso 16, matapos daw maaktuhan ng anak ang ama habang gumagamit ng hinihinalang shabu.

Dahil dito, nauwi sa matinding pagtatalo ang dalawa hanggang sa tuluyang sinaksak ng anak ang biktima gamit ang isang balisong, na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Matapos ang insidente, boluntaryong sumuko ang suspek sa mga opisyal ng barangay.

Probinsya

Pagtatayo ng 'foreign military facilities,’ 'di welcome sa Davao City

Nasa pangangalaga na raw ng Batangas City Police Station ang anak na menor de edad habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong parricide laban sa kaniya sa piskalya.