March 18, 2026

Home BALITA Probinsya

Senior citizen, patay sa suntok ng kainuman!

Senior citizen, patay sa suntok ng kainuman!

Nasawi ang isang 60-anyos na lalaki matapos umanong masuntok ng kaniyang kainuman sa Masinloc, Zambales.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagkakasiyahan umano sa inuman ang biktima at ang suspek nang mauwi ito sa mainitang pagtatalo. 

Sa gitna ng kanilang alitan, sinuntok umano ng suspek ang biktima.

Dahil sa lakas ng suntok, natumba ang biktima at tumama ang ulo sa sementadong kalsada na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Matapos ang insidente ay agad umanong tumakas ang suspek, ngunit kalaunan ay naaresto rin ng mga awtoridad.

Probinsya

Erpat na naaktuhang bumabatak ng shabu, sinaksak ng tinedyer na anak; patay!

Sa ngayon, nahaharap sa kaukulang reklamo ang suspek kaugnay sa insidente. Hindi naman ito nagbigay ng anumang pahayag hinggil sa nangyari.