March 08, 2026

Home BALITA National

'Where's my apo?' PBBM, may hirit sa birthday message sa anak na si Rep. Sandro

'Where's my apo?' PBBM, may hirit sa birthday message sa anak na si Rep. Sandro
Photo courtesy; Pangulong Bongbong Marcos (FB)

Maligayang bumati at humirit si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., para sa kaarawan ng kaniyang panganay na anak na si Ilocos Norte 1st District Representative at House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos. 

Ayon sa naging Facebook post ng Pangulo nitong Sabado, Marso 7, 2026, makikita ang isang edited photo mula sa kompilasyon ng mga luma at bagong larawan nilang magkasama ni Sandro. 

Ani PBBM, “proud” o ipinagmamalaki raw niya ang kaniyang mabait at “talented” na anak na si Sandro. 

“To my son Sandro,” pagsisimula niya, “We are so proud of the good man you have become. Who would have known that our little child would grow into such a kind, industrious and talented man?” 

Photo courtesy; Pangulong Bongbong Marcos (FB)

Screenshot mula sa FB post ni PBBM. 

National

Sen. Jinggoy, kumambyo sa pagrereto sa prospect Gilas player kay Sen. Kiko

Tila hindi pa napigilan ng Pangulo na biruin si Sandro at hinanapan pa niya ito ng apo bilang “final note” umano sa kaniyang mensahe. 

“On a final note… where’s my apo?” anang Pangulo. 

“Happy birthday, son!” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na reaksyon o tugon si Sandro sa kaniyang social media accounts kaugnay sa naging mensahe ng kaniyang ama sa kaniya. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita