March 01, 2026

Home BALITA

Francis Leo Marcos, pansamantalang nakalaya!

Francis Leo Marcos, pansamantalang nakalaya!
Photo Courtesy: Screenshots from Norman Mangusin (YT)

Pansamantalang nakalaya sa Parañaque City Jail Male Dormitory ang vlogger na si Norman Mangusin o mas kilala bilang si “Francis Leo Marcos”  matapos makapagpiyansa sa kasong unjust vexation.

Sa YouTube channel ni Mangusin nitong Sabado, Pebrero 28, inanunsiyo niya sa pamamagitan ng video statement ang paglabas niya sa piitan.

“Kakalaya ko lang po pansamantala. Maraming-maraming salamat po do’n sa mga taong nagmalasakit at tumulong sa akin,” saad ni Mangusin.

Dagdag pa niya, “Maraming salamat po do’n sa mga taong patuloy na sumusuporta sa akin. Maraming salamat po sa inyo.”

Matatandaang inaresto si Mangusin ng mga awtoridad noong Martes, Pebrero 24.

Anti-Cong-tractor bill, hihimayin na sa Kamara

Nakunan ang eksena ng pagsisilbi ng arrest warrant kay Mangusin habang naka-live sa social media at kumakain sa loob ng isang hotel.

Samantala, nakatakda naman ang arrangement sa vlogger sa darating na Lunes, Marso 2, 10:00 A.M.

KAUGNAY NA BALITA: Naka-live pa! Francis Leo Marcos, hinainan ng arrest warrant habang kumakain!