Inanunsyo ng Quezon City Police District (QCPD) na “generally peaceful” ang ikatlong Trillion Peso March, na isinabay sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng makasaysayan at mapayapang EDSA People Power Revolution I noong Miyerkules, Pebrero 25, sa White Plains, EDSA.
Ayon sa ulat na ibinahagi ni QCPD Director PBGen. Randy Glenn Silvio, walang naman daw naitalang “major untoward incident” sa nasabing kilos-protesta.
"This successful activity was conducted in accordance with the directive of PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., and under the guidance of NCRPO Regional Director PMGen. Anthony Aberin,” saad ni Silvio.
Aniya, “Through our collective efforts and the cooperation of the public, we successfully ensured a safe, peaceful, and orderly commemoration, and as a result, no major untoward incidents were reported.”
Pinasalamatan din ng QCPD director ang lokal na pamahalaan ng Quezon City, at maging ang ilang stakeholders na nakiisa upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa naturang kaganapan.
Base sa mga kaugnay na ulat, ang isinagawang kilos-protesta ay bahagi ng mga nauna nang rally noong 2025, hinggil sa panawagan ng mga Pilipino laban sa malawakang korapsyon sa Pilipinas.
Samantala, sumentro naman ang protestang ito sa pagtuligsa kontra sa katiwalian at political dynasty.
KAUGNAY NA BALITA: Panawagang marahas na pagpapatalsik kay PBBM, ekis sa Trillion Peso March-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA
Photo courtesy: Vincent Gutierrez/BALITA