Lapnos at mga sugat ang inabot ng anim na katao matapos ang malakas na pagsabog ng isang tankito sa Barangay NBBS, Dagat-Dagatan, Navotas City noong Miyerkules, Pebrero 25, pasado 9:00 ng umaga.
Ayon sa mga ulat, sumabog ang tangke matapos gamitin upang magluto ng panindang mais.
Bigla na lamang daw itong sumabog matapos magsindi ng lighter.
Maliban sa mga nasugatang tao, nabasag din ang ilang salamin sa bahay na pinangyarihan ng insidente, habang nawasak din ang mga bintana sa kalapit na bahay nito.
Nagpaalala naman ang mga awtoridad hinggil sa mas maingat na paggamit ng tankito.
Saad pa nila, tinitingnan na rin daw nila ang maaaring gawing paraan upang makontrol na ang paggamit ng nasabing tangke dahil anila, hindi raw “conventional” ang tankito sa loob ng bahay—at hindi raw talaga ito designed na gamitin sa loob ng isang tahanan.
Patuloy na nagpapagaling sa ospital ang mga napuruhang insidente.
Vincent Gutierrez/BALITA