May 21, 2026

Home BALITA National

Reading proficiency at numeracy skills ng mga mag-aaral, umangat! – DepEd

Reading proficiency at numeracy skills ng mga mag-aaral, umangat! – DepEd
Photo courtesy: DepEd via MB

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na umangat ang kakayahan sa pagbasa at matematika ng mga mag-aaral sa buong bansa sa nagdaang school year 2025 - 2026. 

Ayon sa pahayag  ng DepEd noong Miyerkules, Mayo 6, lumabas sa mga resulta ng Comprehensive Rapid Literacy Assessment (CRLA), Rapid Math Assessment (RMA) at Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI) para sa school year 2025 - 2026 na higit-kumulang 4.5 milyong mag-aaral ang nagkaroon ng improvement sa kanilang reading proficiency, na sa pagsisimula ng pasukan ay struggling readers. 

Saad pa sa pahayag, dumami rin ang hanay ng “grade-level ready” readers mula 3.3 milyon sa pagsisimula ng school year hanggang sa 5.8 milyon sa pagtatapos ng taon. 

Sa numeracy skills naman, higit 50% ng mag-aaral mula sa iba’t ibang grade levels ang naitalang nakaranas ng pag-angat ng kanilang Math proficiency. 

Mula 13 milyon, nasa 6.8 milyon na lamang na mag-aaral ang natukoy bilang “not or low proficient.”

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Saad ni DepEd Sec. Sonny Angara na naging susi rito ang mga targeted intervention sa pundasyon ng literacy at numeracy ng mga mag-aaral. 

“Our goal is to strengthen the entire learning recovery pipeline—from the earliest grades through senior high—so that early literacy success translates into lasting proficiency and genuine readiness for the world beyond graduation,” ani Angara. 

Aniya pa, patuloy na pagtitibayin ng DepEd ang kanilang mga interbensyon upang matiyak na ang magpapatuloy ang progreso ng mga mag-aaral sa pag-usad nila sa iba’t ibang grade levels. 

“We will continue to refine these interventions to ensure that the progress we see in the early years is sustained through the secondary levels, equipping our high school learners with the analytical skills they need for the future,” saad ni Angara.