February 19, 2026

Home BALITA Politics

Partido Reporma, suportado Sara-Marcoleta sa 2028!

Partido Reporma, suportado Sara-Marcoleta sa 2028!
Photo courtesy: Rodante Marcoleta/FB

Inanunsyo ng Partido Reporma ang kanilang opisyal na pahayag ng suporta para kay Vice President Sara Duterte at Se. Rodante Marcoleta bilang mga kandidato sa darating na halalan sa 2028.

"Partido Reporma formally expresses its support for Vice-President Inday Sara Duterte as a candidate for President of the Republic of the Philippines, and for Senator Rodante Marcoleta as candidate for Vice-President in the 2028 national elections,” anang partido sa inilabas nilang pahayag nitong Huwebes, Pebrero 19, 2026.

Ang pagkilala sa kakayahan ng dalawang lider ay nakabatay umano sa kanilang mga naunang nagawa at ang kanilang pangako sa paglilingkod sa bayan.

Ipinahayag ng Partido Reporma ang kanilang mga saloobin ukol sa kasalukuyang estado ng bansa

Politics

'Ang aga-aga!' PBBM admin, wala pang presidential bet sa 2028—Palasyo

"Partido Reporma believes that the leadership of Vice-President Inday Sara Duterte and Senator Rodante Marcoleta is essential for bringing about effective governance and responding to the needs of our people," dagdag pa ng partido. 

Inihayag din ng Partido Reporma ang kanila raw na nagagawa pa raw bansa at sa usapin ng politika.

"We are committed to fighting for the rights of the marginalized and ensuring that everyone's voice is heard in the political arena,” saad ng partido.

Matatandaang noong Miyerkules, Pebrero 19, 2026  nang kumpirmahin ni VP Sara intensyon niyang tumako sa pagka-Pangulo sa 2028.

“I cannot kneel before each and every Filipino to beg for forgiveness,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Instead, I offer my life, my strength, and my future in the service of our nation.” 

Saad pa niya, napapanahon na raw na maibalik ang tapat at malasakit para sa bansa.

“Mga kababayan, ibalik natin ang tapang at malasakit para sa Diyos, sa bayan, at para sa bawat pamilyang Pilipino,” aniya.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!