Ibinahagi ng social media content creator na si Poca o Warren Daniel Osinaga, nitong Sabado, Pebrero 14, na na-diagnose siyang may depresyon.
Saad ni Poca sa kaniyang Facebook post, noon lamang nakaraang buwan, Enero 2026, nang ma-diagnose siya.
“Got diagnosed with depression last month. Life's been a little challenging for the past months, until I thought I won't make it,” ani Warren.
Bagama’t naging challenging ang mga nagdaang buwan, humingi ng propesyunal na tulong si Poca, at tiniyak niya na mas mabuti na ang kalagayan niya sa kasalukuyan kaysa noon.
“I sought help with a professional and now, I can say that I am a lot better than I was before,” pagtitiyak niya sa kaniyang followers.
Kaya hindi rin niya pinalagpas ang pagkakataon para magpasalamat sa kaniyang pamilya, mga kaibigan, at followers na patuloy sumusuporta sa kaniya.
“Thanks to all of my friends, family, prayers and u guys for the support,” ani Poca.
“Everything's gonna get better. Everything's gonna be ok,” dagdag pa niya.
Si Poca ay nakilala dahil sa kaniyang “unfiltered” skits, mapa-sweldo o work-themed man ito hanggang sa pang-araw-araw na mga ganap ng marami.
Noon ding Hulyo 2025, ipinakilala si Poca bilang isa sa cast ng romantic-comedy na Meg & Ryan na pinagbidahan nina JC Santos at Rhian Ramos.
Sean Antonio/BALITA