February 13, 2026

Home BALITA Metro

LRT-1, walang 'contributory negligence' sa insidente sa FPJ station

LRT-1, walang 'contributory negligence' sa insidente sa FPJ station
Photo courtesy: MB File photo

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na wala raw pananagutan ang pamunuan ng LRT-1 sa pagkamatay ng estudyanteng tumalon mula sa Fernando Poe Jr. (FPJ) station.

Sa press briefing ni PNP Spokesperson Randulf Tuaño nitong Biyernes, Pebrero 13, 2026, magkakaroon lang daw ng pananagutan ang LRT-1 kung nagkaroon sila ng kapabayaan na nagdulot sa pagkamatay ng biktima.

"Magkakaroon lang po ng pananagutan ang LRT na kung may nakita silang contributory negligence sa part po ng LRT," saad ni Tuaño.

Paglilinaw pa niya, "Pero sa ngayon po, wala po silang nakikita na contributory negligence sa part po ng LRT."

Metro

11K pulis, ide-deploy; 50K raliyista inaasahang dadalo sa ikatlong 'Trillion Peso March'

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), nakuhanan sa CCTV ng LRT- ang makailang beses na pabalik-balik daw na paglalakad ng biktima sa waiting area ng naturang istasyon habang tumititngin sa mga sasakyan sa ilalim nito.

Ilang sandali pa, bigla na lang itong tumalon kung saan siya nasagasaan ng sasakyang dumadaan sa EDSA.

KAUGNAY NA BALITA: Estudyanteng tumalon mula LRT-1, nagulungan pa ng sasakyan sa binagsakang kalsada!

Samantala noong Pebrero 12 naman nang makumpirmang hindi na raw magsasampa ng kaso ang ama ng biktima laban sa driver at agad siyang nai-release sa nasabing araw.

“Thereafter, the driver was released from the custody of Traffic Sector 6 at 4:10 PM today, February 12, 2026,” saad ng QCPD.

KAUGNAY NA BALITA: Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver