Nagbahagi ng kaniyang reaksyon sa publiko si GMA Network trivia master at TV host Kuya Kim Atienza kaugnay sa naging pahayag ni Sen. Robin Padilla na “weak” o mahina raw ang kabataan sa kasalukuyan.
Matatandaan kasing binengga ni Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media noong Miyerkules, Pebrero 11, 2026, ang kasalukuyang henerasyon ng mga bata dahil sa pagiging mahina umano ng mga ito.
“Siguro naman 'yong iba dito hindi ko man kaedad e naranasan n'yo 'yong panahon ng 90s at 80s na tayo ay naglalaro pa, masaya pa. [...] Ang mga bata po ngayon, sad to say, you are weak,” saad ni Padilla sa nasabing pagdinig.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin sa mga bata ngayon: ‘You are weak!’
Sa pamamagitan ng isang Facebook post noong Huwebes, Pebrero 12, 2026, nagbahagi ng reaksyon si Kuya Kim.
“A little kindness (and understanding) goes a long way,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “On February 11, during a Senate hearing on the proposed Children’s Safety in Social Media Act, Senator Robin Padilla said depression wasn’t something they talked about in his generation, going as far as to describe today’s youth as ‘weak.’”
“The internet didn't take long to respond—it's 2026, after all.”
Ani Kuya Kim, malinaw raw na dapat laging nariyan ang suporta para sa mga taong may depresyon gaano mang magkakaiba ang pananaw ng bawat henerasyon tungkol dito.
“While views may differ on how depression is understood across generations, one thing is clear: support should always be available,” diin niya.
Pagpapatuloy ni Kuya Kim, kaya nga raw nariyan ang listahan ng mga 27/7 hotlines dahil totoo umanong maraming nangangailangan sa panahon ngayon.
“That’s why we’ve put together a list of 24/7 crisis hotlines, because whether or not the word was used before, the need for help is real for many today,” pagtatapos pa niya.
Kaugnay nito, matatandaan ding nagawa namang banggitin at ihalimbawa ni Padilla ang pumanaw na anak ni Kuya Kim na si Emman Atienza at iba pa kaugnay sa pakikipagdiskusyon nito sa usapin ng depresyon.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin, hinalimbawa si Emman Atienza, at iba pa sa usapin ng depresyon
Bukod kay Emman, ikinuwento rin ng senador ang sinapit ng mga biktimang 17-anyos na estudyante sa Cotabato noong 2023, 14-anyos at 8th grader sa Zamboanga Sibugay noong 2014, at Filipino-American na teenager noon naman 2013.
KAUGNAY NA BALITA: 'Bakit niya sisisihin ang kabataan?' Rep. Renee Co, bumanat kay Sen. Padilla!
KAUGNAY NA BALITA: 'Mapanganib ang ganitong pananaw!' Rep. Sarah, kinondena naging tirada ni Sen. Robin
Mc Vincent Mirabuna/Balita