Tila sinakyan ni sexy actress Robb Guinto ang mga pilyong hirit ng netizens sa kanila ni Kapuso actor Yasser Marta.
Sa latest Facebook post kasi ni Robb noong Martes, Pebrero 10, mapapanood ang video ni Yasser habang ginagawa ang “Big Guy” trend.
“Habibi,” saad ni Robb sa caption ng post.
At bago pa man ulanin ng intriga at kapilyuhang komento ang kanilang video, inunahan na sila ni Robb.
“Ano na naman iisipin nyo? ” tanong niya sa comment section saka ibinahagi ang larawan nila ni Yasser habang may karga silang tuta at pusa.
Aniya, “Nagkatuta na opo with pussycat pa. Okay naba kayo?”
Matatandaang lumutang ang mga espekulasyon na tila magkarelasyon na ang dalawa matapos ibahagi ni Yasser ang serye ng mga larawan nila ni Robb noong magbakasyon sila sa Bali, Indonesia.
Maki-Balita: Yasser Marta, ibibigay lahat kay Robb Guinto; magkasamang nagbakasyon sa Bali
Bagama’t wala pang opisyal na kumprimasyon, lumakas ang alingasngas na may namamagitan sa dalawa nang maispatan sa social media post ni Robb ang larawan kung saan nakatuka si Yasser sa pisngi niya.
Maki-Balita: 'May nanalo na!' Yasser Marta, tumuka sa pisngi ni Robb Guinto