Kusang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes, Pebrero 5 si Albuera, Leyte Mayor Kerwin Espinosa at dalawa pa, na nahaharap sa kasong murder.
Ayon sa mga ulat, dinala na sa Regional Trial Court Branch 14 sa Cebu City ang alkalde at dalawa pa matapos hainan ng warrant of arrest.
Wala raw piyansang mairerekomenda piyansa para sa kanilang mga akusado.
Ipinaliwanag naman ni Espinosa na hindi totoong nagtatago siya upang takasan ang pag-aresto matapos ang huling appearance sa kaniya sa munisipyo noong Enero 20, 2026.
Aniya pa, ginawa lamang niya ang "pagtatago" upang protektahan ang sarili mula sa mga tangka ng kaaway.
Sinasabing na-indict sa kasong murder si Espinosa noong Setyembre 2024 dahil sa umano'y murder na kinasangkutan niya, sa Baybay City.
Nakiusap naman siya sa mga kababayang nasasakupan, na ipagdasal ang kaligtasan niya sa oras ng pagsuko niya sa mga awtoridad.