May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking angkas ng motor, patay matapos sumabit sa nakalaylay na kable sa kalye!

Lalaking angkas ng motor, patay matapos sumabit sa nakalaylay na kable sa kalye!
Photo courtesy: Contributed photo

Dead on arrival ang isang 49 taong gulang na angkas ng isang motorsiklo matapos silang sumabit sa isang nakalaylay na kable sa Legazpi City, Albay.

Ayon sa mga ulat, minamanaheo ng 50-anyos na driver ang motorsiklong sinasakyan ng biktima nang bigla nilang magsemplang matapos sumabit sa kableng nakalaylay pala sa daan. 

Mabilis namang umaksyon ang emergency response team sa naturang lugar upang matulungan sila subalit hindi na umabot nang buhay ang biktima. Kasalukuyan namang nagpapagaling sa ospital ang driver ng motorsiklo.

Ayon sa mga awtoridad, nagpapatuloy pa rin ang kanilang operasyon upang matanggal ang spaghetti wires sa kanilang lokalidad, lalo na ang mga kableng lumalaylay sa main road.

Napag-alaman ding noon lamang nakaraang linggo nang mapaulat na isa pang rider ang naaksidente dahil pa rin sa pagsabit sa nakalaylay na kable sa kalsada. 

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Maswerte umano siyang nakaligtas sa naturang aksidente matapos ang agarang pagdating ng emergency response team sa kaparehong lugar.