February 03, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Mga paniniwalang Pinoy sa mga kasal

ALAMIN: Mga paniniwalang Pinoy sa mga kasal
Photo courtesy: Unsplash

Excited na ba for the big day? 

Bago ang ‘excitement’ sa kasal, madalas tinitiis ng maraming magkasintahan sa bansa ang mga paninita ng matatanda  sa paniniwalang magkakaroon sila ng mahaba at masayang pagsasama sa buhay mag-asawa, kapag sinunod ang mga ito. 

Kaya bilang bansa na hitik sa sobrenatural, narito ang ilang pamahiin ng sinusunod ng maraming Pinoy sa kasal: 

1. Sukob

Human-Interest

Parokya sa Las Piñas, nagbabala laban sa ‘Novena’ na may halong pamahiin

Ang sukob ay paniniwalang nagbabawal sa mga pamilya na magdaos ng kasal sa iisang taon.

Ayon sa matatanda, matuturing ito na malas dahil nahahati ang swerte sa dalawang pares na ikinasal. 

Kasama rin sa paniniwalang ito ang pagbabawal sa pagpapakasal sa taon na may nasawing kapamilya dahil magdadala raw ito ng kamalasan sa pagsasama ng bagong mag-asawa. 

2. Pagbabawal sa pagsukat ng wedding gown 

Ayon sa paniniwalang ito, malas na maituturing ang pagsusukat ng wedding gown ilang araw bago ang mismong araw ng kasal at posible pang hindi ito matuloy. 

3. Perlas bilang simbolo ng luha

Pinaniniwalaan dito na ang pagsusuot ng perlas sa araw ng kasal ay dulot para mauwi sa malungkot na pagsasama ng bagong mag-asawa dahil ang perlas daw ay simbolo at tangis ng luha. 

4. Pag-iwas na mahulog ang wedding ring

Pinaniniwalaan sa pamahiin na ito na ang pagkahulog ng wedding ring kay nangangahulugan na may napipintong pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya. 

5. Pagkawala ng wedding ring

Ani rito, ang pagkawala ng wedding ring ay simbolo ng pagsasawalang-bahal at pagkakalimutin, kung kaya’t pinaniniwalaan na maaaring mauwi sa maagang hiwalayan ng mag-asawa. 

6. Masikip na wedding ring

Isa pang paniniwala na nagpapatungkol sa wedding ring ay nagsasabi na ang lubos na masikip nitong sukat sa daliri ay simbolo ng kontrolado at nakasasakal na ugali ng mag-asawa sa isa’t isa, na maaaring magbunga sa iba’t ibang mga problema.

7. Bawal byumahe 

Ayon sa paniniwalang ito, ang “soon-to-married-couples” ay lapitin sa mga aksidente, kaya inaabiso ng matatanda sa pamahiing ito na ilang araw o linggo bago ang kasal, iwasan ng magkasintahang ikakasal ang mag-travel para matiyak ang kaligtasan nila. 

Sa kabila ng maraming paniniwala na ito, mahalagang tandaan na ang kasal at pag-aasawa ay dapat nakatayo sa pundasyon ng pagmamahal at pag-intindi sa isa’t isa, sa hirap at ginhawa, para sa matibay at mahabang pagsasama.

Sean Antonio/BALITA