January 26, 2026

Home BALITA Politics

SP Sotto pinaghahandaan na impeachment vs. PBBM, VP Sara

SP Sotto pinaghahandaan na impeachment vs. PBBM, VP Sara
Photo Courtesy: Bongbong Marcos, Tito Sotto, Sara Duterte (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Senate President Tito Sotto kaugnay sa impeachment complaints na inihain laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte.

Sa ulat ni Mav Gonzalez sa “24 Oras Weekend” noong Linggo, Enero 25, sinabi ni Sotto na nakahanda siya sakaling makarating sa Senado ang nasabing reklamo. 

“Sana naman huwag…dahil nakakahiya sa mundo. Nevertheless, paghahandaan natin kung sakali. Ako naman ready ako,” anang Senate President.

Sa katunayan, ayon kay Sotto, naimapa na raw niya ang posibleng schedule ng paglilitis sakaling umabot ito sa kanila upang hindi maapektuhan ang lehislatibong tungkulin ng mga kapuwa niya senador.

Politics

‘Di nakakuha ng definite commitment!’ Makabayan Bloc, naipasa na 2nd impeachment complaint kay PBBM

Aniya, “In the morning, from 9 am to 1 pm, legislative work ang Senado. Pagdating ng 3 pm up, e, di impeachment court.”

“Kung sakali sinabi nila dalawa, at the very remote possibility, sabay namin dalawa. E di gawin MWF ‘yong isa, TTH, ‘yong isa. Siguro naman majority ng members papayag,” dugtong pa ni SP Sotto.

Matatandaang dalawang impeachment complaints na ang tinangkang ihain laban sa Pangulo. 

Kaugnay na Balita: Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!

Samantala, bagama’t wala pang bagong reklamong impeachment laban sa Bise Presidente, kinasuhan na si VP Sara ni Trillanes ng plunder at graft sa Office of the Ombudsman.

Kaugnay ito ng umano’y mga iregularidad noong siya ay manungkulang Bise Presidente at umupo bilang kalihim ng Department of Education (DepEd), gayundin noong siya ay alkalde ng Davao City.

Kaugnay na Balita: Trillanes, civil society group kinasuhan ng plunder, graft si VP Sara