January 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Mga narekober na katawan mula sa MBCA Amejara, anim na!

Mga narekober na katawan mula sa MBCA Amejara, anim na!
Photo courtesy: Coast Guard District Southeastern Mindanao (FB)

Umakyat na sa anim ang kabuoang bilang ng mga narekober na bangkay mula sa tumaob na MCBA Amejara, nitong Linggo, Enero 25. 

Ayon sa ulat ng Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM), natagpuang palutang-lutang ang isa sa mga katawan sa katubigan ng Buca Point, Maasim, Sarangani. 

Agad naman itong inilipat sa BRP Pangalo patungong Balut Island, para  masuri at makumpirma ng mga awtoridad. 

Base sa mga ulat ng media, nasa siyam pa ang bilang ng mga katawan na patuloy pinaghahanap sa mabusising search and rescue (SAR) operations.

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

Matatandaang naiulat ang pagtaob ng MBCA Amejara sa Davao Gulf noong Enero 19 matapos itong hampasin ng malalakas na hagupit ng hangin at mga alon. 

Noong namang Enero 24, nilinaw ni Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM) Commander, Commodore Philipps Soria PCG na hindi pa nila mailalabas ang identidad ng mga pasahero at ilan pang crew members ng MBCA Amejara dahil sa nagpapatuloy na SAR. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Ang pagtaob at pagkawala ng MBCA Amejara sa Davao

Inabiso rin ng CGDSEM sa publiko ang pag-iingat sa pagpapakalat ng anumang unverified at misleading na impormasyon hinggil sa MBCA Amejara. 

MAKI-BALITA: Coast Guard, nag-abisong mag-ingat sa mga impormasyon tungkol sa MBCA Amejara

Sean Antonio/BALITA