January 25, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Jake Cuenca, naispatang may bago nang bebot?

Jake Cuenca, naispatang may bago nang bebot?
Photo courtesy: Kapamilya Online World (FB)

Usap-usapan ngayon online ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca matapos maispatang may ka-holding hands na isang babae.  

Ayon sa naging post ng Kapamilya Online World sa kanilang Facebook page nitong Sabado, Enero 24, makikitang ang larawan ni Jake kasama ang isang bebot. 

“#JakeCuenca spotted na may ka holding hands na babae. Bagong jowa na nga kaya?” mababasa simula ng captiong ng nasabing page. 

Photo courtesy: Kapamilya Online World (FB)

Screenshot mula sa FB post ng Kapamilya Online World. 

Relasyon at Hiwalayan

'May nanalo na!' Yasser Marta, tumuka sa pisngi ni Robb Guinto

Dagdag pa nila, “Matatandaang last year ay kinumpirma ni Jake na hiwalay na sila ni Chie Filomeno kaya naman free na free na muli ang Kapamilya actor.” 

Kaugnay nito, matatandaang umugong ang balita sa hiwalayan nina Jake at dati nitong girlfriend na Chie Filomeno noong Oktubre 2025. 

Ayon kay Jake, tapos na raw ang “chapter” ng buhay niya kasama ang dating kasintahan. 

“Andaming nangyayari, ang daming sinasabi ng mga tao. But siguro I can officially say that, that chapter of my life is over now. To be quite honest with you, I can at least say that I really love that person deeply…” saad ni Jake. 

MAKI-BALITA: ‘There was no breakup:’ Jake Cuenca, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Chie Filomeno

Dahil naman sa naturang post ng Kapamilya Online World, umani ito ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post tungkol kay Jake at hindi pa nakikilalang bebot:

“Anji Salvacion? Hehe hawig.” 

“May jowa pala si edong e” 

“Galing nya sa pag-ganap bilang Edong” 

“Well deserved naman niya after siya lokohin” 

“Dyan ka pala sa BGC pagala gala. Sawa ka na sa Amurao?” 

“Iba ka talaga Mayor, Miguelito pero sulitin mo na dahil malapit kana matanggal sa pagka Mayor.” 

“C Jake Prang Jume Gerald aderson” 

“Matakot ka kay edong, hahahahaha” 

MAKI-BALITA: 'It’s your sad boi era I’m in my healing era,' hirit ni Chie Filomeno

MAKI-BALITA: ‘Chie-buana Lhuillier?’ Chie inenjoy maneho ni Matthew, netizens nag-react

Mc Vincent Mirabuna/Balita