Ipinagdiinan ng radio at television personality na si DJ Chacha na karapatan ang mental health at hindi pribilehiyo lang na para sa iilan.
Sa isang Facebook post ni DJ Chacha noong Biyernes, Enero 23, nanawagan siyang isama dapat ang mental health sa listahan ng mga prayoridad na tinutugunan.
“ANG MENTAL HEALTH AY KARAPATAN AT HINDI PRIBILEHYO,” panimula ni DJ Chacha. “Sa bawat tahimik na pakikipaglaban, kailangan ng gobyernong nakikinig at kumikilos. Isama sana sa prayoridad ang mental health ng mga Pilipino. “
“Mas maraming mental health experts, mas murang gamot at sapat na pasilidad para sa lahat,” dugtong pa niya.
Matatandaang ayon sa World Bank (WB), nakapagtala ang Pilipinas ng suicide mortality rate na 3.49 kada 100,000 populasyon noong 2021.
Iniulat pa ng World Health Organization (WHO) noong 2023 na humigit-kumulang 12 milyong Pilipino ang dumaranas ng mental health conditions, na ang depresyon at anxiety ang pinakamalaganap.