April 16, 2026

Home SHOWBIZ

Sunshine Cruz, sumagot sa netizens na umokray sa tabinging mukha niya

Sunshine Cruz, sumagot sa netizens na umokray sa tabinging mukha niya
Photo Courtesy: Sunshine Cruz (FB)

Hindi nakapagtimpi ang aktres at hot momma na si Sunshine Cruz sa mga netizen na lumait sa anyo ng mukha niya. 

Sa latest Facebook post ni Sunshine noong Lunes, Marso 16, makikita ang screenshot ng mga komento patungkol sa mukha niya na hindi umano pantay at tabingi na.

"Pag talaga botox maganda kaso parang hindi na nagpapantay ang mukha. Tumatabingi na," saad ng isang netizen.

Sagot naman ni Sunshine, "I have Mysthenia Gravis kaya madalas bagsak half of my face po."

Ang myasthenia gravis—ayon sa John Hopkins Medicine—ay isang chronic autoimmune disorder na nagdudulot ng panghihina ng skeletal muscles.

Relasyon at Hiwalayan

Franki Russell, Enrique Gil naantala ang pagkakamabutihan

Maki-Balita: Sunshine Cruz, inulan ng suporta matapos isiwalat ang sakit niya

Kaya naman nagbigay ng paalala ang aktres sa publiko, partikular sa mga kapuwa niya babae.

Aniya, “Ladies, there is so much power in uplifting one another. Attacking someone’s appearance says more about your character than it does about theirs.”

“You never truly know the battles people are fighting whether it’s mental health or physical illness. I’ve been open about my journey with Myasthenia Gravis, and it’s the main reason I’ve stepped back from projects,” dugtong pa ni Sunshine.

Sa kasalukuyan, prayoridad umano niya ang kaniyang kalusugan, pamilya, at kapayapaan.

“Let’s choose to be kind. It’s a much better look on everyone,” pahabol pa niya.

Matatandaang Marso 2025 nang isiwalat ni Sunshine ang tungkol sa sakit niya, dahilan para ulanin siya ng suporta.