January 20, 2026

Home BALITA National

Rep. Leandro Leviste, malapit nang ilabas unofficial Cabral files

Rep. Leandro Leviste, malapit nang ilabas unofficial Cabral files
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tila malapit na raw ilabas sa publiko ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang umano’y unofficial na mga dokumento ng pumanaw na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral na hawak niya bukod sa kopyang mayroon ang DPWH. 

Ayon sa naging panayam ng True FM kay Leviste nitong Martes, Enero 20, sinabi niyang ilalabas niya ang Cabral files pagkatapos ng naturang programa sa radyo. 

“Ang direktang sagot ko sa inyong tanong ay hinintay ko ang DPWH na magsalita kung ilalabas ba nila [ang Cabral files],” pagsisimula niya. 

MAKI-BALITA: 'Kung papatayin n'yo ako, lalabas lahat ng ginawa n'yo sa DPWH!'—Rep. Leandro Leviste

National

PBBM, kumpiyansa dahil wala umano siyang 'impeachable offense'

Dagdag pa niya, “Dahil nagsalita na sila sa hearing kahapon at mukhang walang tiyak na date kung kailan ilalabas nila ang opisyal na kopya then pagkatapos ng inyong show, parang okay naman na ang unofficial impormasyon mula sa files.” 

Ani Leviste, tinitingnan daw niyang problema ang sasabihin ng ibang tao na “walang kuwenta” ang mga ilalabas niya pang dokumento dahil hindi raw iyon authenticated ng DPWH. 

“Pero ang problema kasi kapag inilabas ‘yong unofficial ay sasabihin naman nila na walang kuwento ‘yan dahil hindi [authenticated] ng DPWH. At least, binigyan natin ng chance na sila ang maglabas ng files,” paliwanag niya. 

Pagpapatuloy ni Leviste, mayroon pa raw siyang ilalabas na mga dokumentong hawak niya bukod sa Cabral files. 

“Pangalawa, ‘yong nabanggit ninyo na statement ko na mahalagang impormasyon na lalabas pa ay maliban pa sa Cabral files,” aniya. 

“Pero tungkol po sa Cabral files, ito po ay ating ia-upload pagkatapos ng inyong show [at] pinadala ko na rin po sa inyong staff ang iaupload ko po,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: 'I vehemently deny that!' Rep. Leviste, tinangging sapilitang kinuha 'Cabral Files'

MAKI-BALITA: 'P're, ilabas mo na!' Ridon, inip na sa 1 buwan usapin sa 'Cabral files' ni Leviste

Mc Vincent Mirabuna/Balita