January 21, 2026

Home SHOWBIZ

Mikoy Morales sa pagbabate: ‘Hindi lang siya basta lib*g!’

Mikoy Morales sa pagbabate: ‘Hindi lang siya basta lib*g!’
Photo Courtesy: Mikoy Morales (FB)

Nagbigay ng pananaw si Kapuso actor Mikoy Morales tungkol sa panonood ng maseselang video na sinasabayan niya ng pagsasariling-sikap.

Sa latest episode ng vodcast na “Your Honor” kamakailan, ipinaliwanag niya kung bakit patuloy pa ring ginagawa ng mga lalaking gaya niya ang masturbation at pagkonsumo ng porn kahit may jowa na.

“Sa amin, ‘yong porn saka pagma-masturbate, sinasabi ko sa kaniya [sa jowa]. Hindi ko naman tinatago,” saad ni Mikoy.

Dagdag pa niya, “Mayro’n pa ring times, like, ‘pag naghahanap ako ng release, hindi lang siya libog ha. May scientific [explanation] siya.”

'Di wag kang manood!' Anne Curtis tinalakan basher ng bagong movie niya

Hindi naman daw maunawaan ni Kapuso actress Arra San Agustin ang gawaing ito na tila likas na sa kalalakihan at kinasanayan na. 

Sabi ni Arra, “As a girl, parang hindi ko siya ma-accept.”

Samantala, bagama’t may mga pag-aaral na nagsasabing nakakabuti sa kalusugan ang masturbation, maaari umanong magkaroon ng masamang epekto ang lubhang panonood ng malalaswang video.

Sa isang artikulo ni Jessica Miller noong Nobyembre 2025 sa website na AddictionHelp.com, isa-isa niyang inilatag ang mga epekto nito.

Kabilang umano sa mga pwedeng mapinsala ng panonood ng porn ay ang relasyon ng dalawang indibidwal. Lumilikha kasi ito ng mga hindi makatotohanang pamantayan o expectation sa pakikipagtalik, dahilan para hindi masiyahan ang isang tao sa ginagawa ng partner niya.

Bukod dito, maaari din umanong mawala ang emotional closeness ng isa’t isa. Sa halip kasing mas tumutok sila sa pagbuo ng connection at intimacy, nababaling ito sa sobrang pagkonsumo ng porn.