Ayos lamang daw sa Sparkle artist na si Aira Lopez kung bigyan man o hindi ng kaniyang nobyong si dating Batangas Vice Governor Mark Leviste ang ex-jowa nitong si “Queen of All Media” Kris Aquino ng mga tsokolate.
Kaugnay ito sa mga ulat at usap-usapang nagpaabot daw si Leviste ng chips at mga tsokolate para kay Krissy.
“Wag na po nating gawing issue ang lahat. Whether he gave the chocolates or not, wala pong problema sa akin,” saad ni Aira sa kaniyang social media post kamakailan.
Giit pa niya, hinihikayat pa nga raw niya na bisitahin ni Leviste ang dati nitong kasintahan.
Aniya, “I even encourage Mark to visit Ms. Kris in the hospital…I sincerely wish her well and pray for her recovery.”
Photo courtesy: Aira Lopez/FB
Hindi man ni Mark Leviste mismo, matatandaang binisita ng kaniyang anak na si Ronin Leviste si Kris sa bahay nito sa Tarlac noong Marso 25.
“Hindi man sila nagkatuluyan ni Dad, nanatili naman silang magkaibigan; naghiwalay sila ng walang sama ng loob sa isa’t-isa, at hindi mawawala ang aming pagmamahal kay TK, Bimb, at Kuya Josh. Palaging nandiyan si TK para sa amin,” saad ni Ronin sa kaniyang social media post.
MAKI-BALITA: Anak ni Mark Leviste, binisita si Kris Aquino-Balita
Ito ay dalawang buwan matapos ibigay ni Aira ang kaniyang matamis na oo kay Leviste.
MAKI-BALITA: Mark Leviste, napasagot na si Aira Lopez!-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA