January 21, 2026

Home BALITA Probinsya

‘Temporary Suspension’ ng mga armas, ibababa sa Central Visayas simula Jan. 15

‘Temporary Suspension’ ng mga armas, ibababa sa Central Visayas simula Jan. 15
Photo courtesy: Unsplash, PCO (website)

Ibababa ng Philippine National Police (PNP) sa buong Central Visayas ang temporary suspension ng mga armas simula Enero 15 alinsunod sa pangunguna ng bansa sa darating na 2026 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and related meetings.

Ayon sa PNP, epektibo ang temporary suspension simula 12:01 AM ng Enero 15 hanngang 11:59 PM ng Enero 31. 

Base pa sa pahayag ng provincial office, narito ang mga sumusunod na gawain at permits na pinapatawan ng temporary suspension: 

• Permit to Transport Firearms for Gun Club Members

Probinsya

50-anyos na volunteer responder sa Binaliw landfill, nasawi dahil sa sepsis

• Permit to Transport Firearms for Gun Manufacturers, Dealers, and Gunsmiths

• Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR)

• Permit to Transport and Purchase Explosives / Explosive Ingredients

• License to Manufacture and Deal in Firecrackers and Pyrotechnic Devices

Exempted o hindi kasama sa nasabing suspension ng mga armas ang mga miyembro ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang Law Enforcement Agencies (LEAs) na naatasan mag-duty sa 2026 ASEAN Summit.

Saad pa ng PNP, layon ng direktibang ito na panatilihin ang kaligtasan at kaayusan ng publiko sa kasagsagan ng Summit, na inaasahang dadaluhan ng mga delegado mula sa ibang bansa. 

Sa kaugnay na ulat, bilang parte ng 2026 ASEAN Summit, gaganapin sa Cebu City ang ASEAN Tourism Forum (ATF 2026) mula Enero 27 hanggang Enero 30, kasabay ang Mactan Expo Center sa Lapu-Lapu City. 

Ayon sa Department of Tourism (DOT), inaasahang dadaluhan ng ASEAN Tourism Ministers, National Tourism Organizations, senior officials, exhibitors, buyers, at media, ang ATF 2026. 

Sean Antonio/BALITA