Inanunsyo ng Manila Electric Co. (Meralco) ang pagbaba ng singil nila sa kuryente nitong Enero 2026.
Ito na ang ikalawang sunod na buwan na nagbaba ng singil sa kuryente ang nasabing kompanya.
Sa kanilang abiso nito nitong Lunes, Enero 11, nasa 16.37 centavos ang kanilang tatapyasin per kilowatt-hour (kWh) kung saan papalo na lamang daw ng ₱12.9508/kWh ang kukubra sa monthly bill ng mga ordinardyong consumers mula sa ₱13.1145/kWh noong Disyembre.
Paglilinaw pa ng Meralco samakatuwid, ay nasa ₱33 ang ibababa sa total electricity bill ng mga ordinaryong residential consumers na kumukunsumo ng 200 kWh kada buwan.
“While there were upward pressures on certain cost components this January, overall electricity rates declined—for the second straight month. We hope that this development will bring relief to all our customers as we start another year,” ani Meralco Vice President and Corporate Communications Head Joe Zaldarriaga sa media nitong Lunes, Enero 12.
Bumaba ang residential transmission rate ng ₱0.10 kada kWh hanggang ₱1.0368 kada kWh, na pangunahing dulot ng mas mababang ancillary service charges na binayaran ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) mula sa mga Ancillary Service Procurement Agreements at sa Reserve Market.
Binanggit din ng Meralco ang pagbaba ng generation charges ng ₱0.0171 kada kWh hanggang ₱7.7471 kada kWh, matapos bumaba ang singil mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ng ₱1.1898 kada kWh, at bumaba rin ang singil mula sa mga power supply agreements (PSAs) ng P0.0516 kada kWh.