January 21, 2026

Home BALITA Probinsya

DSWD Bicol, kinumpirma pagkasawi ng isang Mayon evacuee

DSWD Bicol, kinumpirma pagkasawi ng isang Mayon evacuee
Photo courtesy: DSWD Region 5

Nakiramay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V-Bicol Region sa pamilya ng pumanaw na isang evacuee ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon kamakailan.

"The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V-Bicol Region promptly extended assistance to the family of an Internally Displaced Person (DIP) affected by Mayon Volcano unrest who passed away due to illness days after being hospitalized," anang DSWD Region 5 sa kanilang opisyal na Facebook account nitong Lunes, Enero 12, 2026.

Ayon sa DSWD, isang 42 taong gulang ang babaeng nasawi na residente ng Barangay Mariroc, Sitio Nagsipit, Tabaco City, Albay.

Batay pa sa ulat ng ahensya, nai-admit na raw sa ospital ang nasawing evacuee matapos siyang ma-stroke sa  kasagsagan naman ng sapilitang paglikas sa mga residenteng malapit sa perimeter ng bulkang Mayon. 

Probinsya

50-anyos na volunteer responder sa Binaliw landfill, nasawi dahil sa sepsis

Habang noong Enero 8 nang kumpirmahin din ng DSWD na inilipat sa Bicol Regional Hospital and Medical Center ang biktima para sa mas malalimang gamutan. Subalit, matapos ang dalawang araw ay pumanaw na ito.

Kaugnay nito, nagpaabot na raw ng tulong ang Crisis InterventionSection (CIS)-Albay and the Disaster Response Management Division sa pamilya ng nasabing evacuee.

Nagbigay na rin daw sila ng psychosocial support sa mga naulila ng biktima, lalo na't sumabay ang kaniyang pagpanaw sa banta ng epekto ng patuloy na pag-alboroto ng bulkang Mayon. 

Ayon pa kay Regional Director Norman Laurio, "We mourn the loss of a beloved mother whose life was taken during a time of great difficulty. We recognize your pain and grief, and we assure you that DSWD Bicol is here to assist you and provide the material and emotional support you need."