January 22, 2026

Home BALITA Politics

Rep. Pulong sa nilulutong impeachment vs VP Sara: 'Bakit minamadali?'

Rep. Pulong sa nilulutong impeachment vs VP Sara: 'Bakit minamadali?'
Photo Courtesy: via MB

Naglabas ng pahayag si Davao City First District Rep. Paolo “Pulong” Duterte kaugnay sa pinaplanong impeachment complaint laban sa kapatid na si Vice President Sara Duterte.

Sa latest Facebook post ni Rep. Pulong nitong Linggo, Enero 11, hinamon niya ang mga kapuwa kongresista na huwag umanong ipasa sa taumbayan ang isang desisyong matagal nang niluto sa likod ng saradong pinto.

Aniya, “May mga nagsasabing ang impeachment ay boses ng mamamayan. Pero ang tanong—kailan ninyo kinausap ang inyong constituents?”

“O mas totoo bang ang kinausap ninyo ay ang administrasyon, ang budget, at ang kapangyarihan?” pagpapatuloy ni Rep. Pulong. “Kay murag klaro kaayo kung kinsa ang gisunod (Dahil malinaw na malinaw kung sino ang sinusundan).”

Politics

Rep. Leviste, sinupalpal mga nagpakalat na may ‘plagiarism issue’ siya noong college

Dagdag pa ng kongresista, “Kung ito ay usapin ng konsensya, bakit parang may script? Bakit minamadali? At bakit sabay-sabay na kikilos ang isang supermajority na parang may utos?”

Alam umano ng lahat ng nasa politiko na walang libreng pirma. Kaya mainam na bago pumirma, sagutin muna ng mga mambabatas ang taumbayan kung ano ang kapalit nito, sino ang nagdikta, kanino sila totoong tapat.

“Alalahanin ninyo na di lang boses ng taumbayan ang inyong pinakiki-alaman…kung magkano man ang pinangako sa inyo, pera ng taumbayan yan,” dugtong pa ni Rep. Pulong.

Matatandaang inihayag kamakailan ni Sen. Imee Marcos na may bagong impeachment complaint umanong ihahain laban sa Bise Presidente bago o sa Pebrero 6, 2026.

Maki-Balita: Pasabog ni Sen. Imee: Bagong impeachment case kontra kay VP Sara, ikakasa sa Feb. 6!