January 19, 2026

Home BALITA National

Kung siya masusunod? Sen. Erwin Tulfo, itutulak zero unprogrammed funds sa 2027

Kung siya masusunod? Sen. Erwin Tulfo, itutulak zero unprogrammed funds sa 2027
Photo courtesy: Senate of the Philippines (YT), PCO (FB)

Tila may posibilidad umano na suportahan ni Sen. Erwin Tulfo ang pagsusulong ng zero unprogrammed funds sa susunod na pagpaplano ng national budget sa 2027. 

Ayon kay Tulfo, sa isinagawang press conference ng Kapihan sa Senado nitong Huwebes, Enero 8, pinasimple niya ang pagpapaliwanag ng Unprogrammed Appropriation (UAs) ng national budget sa takbo ng pangangailan ng bawat pamilya. 

“We’re one family—father, mother. Ito, para sa edukasyon. Bina-budget na ng tatay. Ito para sa tuition ni bunso, ito para sa kuryente natin, ito sa pagkain, uunahin po ito para sa pang-hospitalization,” pagbabahagi niya. 

Dagdag pa niya, “Sabi no’ng panganay, bakasyon tayo sa Boracay. Wala tayong pangbakasyon. Parang ganoon ‘yong unprogrammed.

National

Curlee Discaya, kaladkad; 2 saksi, binuking umano'y pagbili ni Romualdez ng property sa Makati

Ani Tulfo, tila “want” sa “wants and needs” ang UAs sa national budget kaya kinuwestiyon niya ang paglalagay pa rin nito sa kaban ng bansa. 

“Hindi siya kailangan. Not needed. Parang ‘yong sinasabing ‘yang unprogrammed is a want not a need. We need this kaya kailangan nating pondohan ito,” aniya. 

“Pero ‘yang unprogrammed, tingin ko, parang want lang ‘yan, e. That’s a want. Why will you put that?” kuwestiyon niya. 

Pagpapatuloy ni Tulfo, maaari raw niyang alisin ang unprogrammed funds sa budget kung siya lang umano ang masusunod. 

“Kung ako lang masusunod, alisin ko ‘yang unprogrammed-programmed na ‘yan, e. I will,” diin niya. 

Ayon pa sa senador, makikipag-usap daw siya sa chairman ng Bicam para pagdiskusyunang alisin ang UAs sa national budget para sa 2027. 

“Siguro in the next budget, I will talk to the chairman na pag-usapan po natin kasi ayaw na nga ng mga tao ‘di ba? Because diyan nakita ‘yong kalokohan,” pagpaplano pa niya. 

Sa kabila nito, matatandaang ₱92.5 billion ang halaga ng na-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., mula sa ilang mga item na tinanggap niya sa UAs. 

“To ensure that public funds are expended in clear service of national interests, I vetoed several items of appropriations with their purposes and corresponding Special Provisions under the UA, totaling almost PhP92.5 billion,” ani PBBM noong Lunes, Enero 5, 2026, matapos niyang pirmahan ang General Appropriations Act (GAA) para sa Fiscal Year (FY) 2026. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga item na na-veto ni PBBM mula sa 'Unprogrammed Appropriations' ng 2026 nat'l budget

MAKI-BALITA: Sen. Erwin Tulfo sa Unprogrammed Funds: 'I signed it with a heavy heart!'

Mc Vincent Mirabuna/Balita