January 01, 2026

Home BALITA

Sen. Dela Rosa, bumati rin ngayong Pasko

Sen. Dela Rosa, bumati rin ngayong Pasko
courtesy: Senador Ronald "Bato" Dela Rosa/FB

Naghayag ng simpleng pagbati si Senador Ronald "Bato" Dela Rosa ngayong Araw ng Kapaskuhan, Disyembre 25, 2025.

"Merry Christmas po sa lahat! Sana ay ligtas, masaya at makabuluhan ang holiday season ng bawat Pilipino," simpleng mensahe ni Dela Rosa.

Sa comment section, kaniya-kaniya ring bati ang kaniyang mga taga suporta.

Kamakailan, naging usap-usapan sa social media ang post ni Nancy Dela Rosa, asawa ni Sen. Bato, matapos niyang i-flex ang isang larawan, na hinala ng mga netizen, ay silang dalawa ng mister.

Probinsya

Matapos umanong mabaril sarili: Dueñas Vice Mayor, pumanaw na

Maki-Balita: Babe time bago ICC jail time? Misis ni Sen. Bato, 'Thanks for dropping by, missed you!'

Ibinahagi rin ng senador ang pagkikita nila ng kaniyang apo.

Maki-Balita: Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Kung babalikan, matatandaang si Dela Rosa ay nagsimulang lumiban sa mga sesyon sa Senado nang sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla na may warrant of arrest na raw ang International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya.

Maki-Balita: Ombudsman Remulla sa ICC warrant of arrest kay Sen. Bato: 'Abangan. Be patient'

Gayunman, hindi ito pinatotohanan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Maki-Balita: 'Ano ba talaga, Kuya?' Remulla at Remulla, nagkontrahan sa hakbang ng ICC kay Sen. Bato!

Samantala, nilinaw ng abogado ni Dela Rosa na si Atty. Israelito Torreon na dapat daw munang klaruhin ang procedure ng gobyerno ng Pilipinas sa nagbabadya umanong warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa senador bago ito magpakita sa publiko.

Maki-Balita: Sen. Bato, 'di lalabas hangga't walang malinaw na procedure sa arrest warrant ng ICC