Masaya si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na makita ang minamahal niyang apo.
Sa latest Facebook post ni Dela Rosa nitong Biyernes, Disyembre 12, flinex niya ang kaniyang larawan habang karga ang sanggol.
“Happy to see you my apo” saad sa caption.
Ito ay sa kabila ng umuugong na balitang may naghihintay na arrest warrant laban sa kaniya mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa pagkakasangkot sa giyera kontra droga sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa katunayan, nakabantay umano ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa galaw ng senador ayon sa kalihim nitong si Jonvic Remulla.
“We are monitoring him. Alam namin kung nasaan siya. At hintayin lang namin kung may utos talaga ang korte o wala,” ani Remulla sa panayam ng GTV’s Balitanghali.
KAUGNAY NA BALITA: Lokasyon, galaw ni Sen. Bato, minomonitor ng DILG
Matatandaang Nobyembre pa nang pumutok ang balitang may arrest warrant na umano laban kay Dela Rosa ayon kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla bagama’t kinontra ito ng utol niyang kalihim ng DILG.