Mauudlot ng isa pang ang araw ang nakatakdang bicameral conference committee meeting sa panukalang 2026 national budget na nakatakda sanang isagawa bukas Disyembre 12, 2025.
Ayon sa inilabas na statement ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III nitong Huwebes, Disyembre 11, sinabi niyang humiling ng isa pang araw ang palugit ang mga technical staffs ng mga kapulungan ng House of the Representative at Senado.
“We are constrained to move the Bicam to Saturday because the technical staff of both The House and The Senate requested one more day to craft the details of the matrix and reconcile the conflicting provisions and amounts,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “[G]iven that budget documents this year are disaggregated and the technical descriptions are included per project.”
Ayon naman sa mga ulat, nakatakdang ituloy ang nasabing bicameral conference committee meeting sa panukalang 2026 national budget sa darating na Sabado, Disyembre 13, 2025.
Matatandaang inaprubahan na ng Senado sa kanilang ikatlo at pinal na pagbasa ang aabot sa ₱6.793 trilyon para sa 2026 national budget.
MAKI-BALITA: ₱6.793T para sa 2026 nat'l budget, aprubado na sa Senado!
Nakakuha ng 17 affirmative votes, no negative votes at zero abstention mula sa mga senador ang nasabing pag-apruba nila sa national budget para sa susunod na taon nitong Martes, Disyembre 9. 2025.
Kaugnay nito, sinabi ni Finance Committee Chairperson Senator Win Gatchalian na ilalaan umano ang 2026 national budget para sa pagtataguyod ng transparency at accountability.
Mc Vincent Mirabuna/Balita