Nagpahayag ng reaksiyon at komento si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. tungkol sa "drug accusation" laban sa kaniya ng kapatid na si Sen. Imee Marcos, sa naganap na ikalawa at huling araw ng "Rally for Transparency for a Better Democracy" ng Iglesia ni Cristo (INC) noong Nobyembre 17, na ginanap sa Quirino Grandstand, Rizal Park, Maynila.
Sa isinagawang press conference ng Pangulo nitong Lunes, Nobyembre 24, natanong si PBBM ng isang miyembro ng media kung ano ang naramdaman ng Pangulo sa mga naging alegasyon sa kaniya ng ateng si Sen. Imee, hinggil sa paggamit niya ng droga at ng kaniyang pamilya, at kung paano raw niya ito ipaliliwanag sa publiko.
Ayon kay PBBM, ayaw daw niyang pag-usapan ang "family matters" at "dirty linen" sa publiko.
"I do not like, we do not like to show our dirty linen in public. But so, I'll just say this much. For a while now, we've been very worried about my sister. When I say we, I'm talking about friends and family."
"And the reason that is because the lady that you see talking on TV is not my sister. And that view is shared by cousins, our friends, hindi siya 'yan... anong... hindi siya 'yan, so that's why we worry. We are very worried about that. I hope she [gets]... I hope she feels better soon," saad pa ni PBBM.
Nang tanungin siya kung nagkausap na ba sila matapos ang nabanggit na matitinding akusasyon laban sa kaniya, "We don't really... we no longer travel in the same circles, political or otherwise, so no," saad ng Pangulo.
Maki-Balita: 'The lady that you see talking on TV is not my sister, hindi siya 'yan!'—PBBM kay Sen. Imee
Samantala, agad namang sumagot ang senadora sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post, pagkatapos ng naging pahayag ng kapatid.
"Bongbong, ako 'to, kung anu-ano na nakikita mo ading. Patunayan mong mali ako - gusto kong mali ako," aniya.
Maki-Balita: Sen. Imee sinagot si PBBM: ‘Ako ‘to, kung ano-ano na nakikita mo!’