January 18, 2026

Home BALITA Politics

Sen. Hontiveros, ibinala 'Anti Dynasty Bill' sa Senado

Sen. Hontiveros, ibinala 'Anti Dynasty Bill' sa Senado
Photo courtesy: via MB

Isang panukalang batas na nagbabawal sa mga political dynasty sa mga halal na posisyon ang inihain sa Senado, kung saan may apat na magkakapatid na kasalukuyang nakaupo.

Inihain ni Sen. Risa Hontiveros ang Senate Bill No. 1548, o ang Kontra Dinastiya Act na layuning ipagbawal ang mga asawa at kamag-anak hanggang ikaapat na antas ng consanguinity o affinity ng isang pambansang opisyal na tumakbo sa pambansang halalan, o ng isang lokal na opisyal na tumakbo sa lokal na halalan sa loob ng parehong distrito, probinsiya o lungsod.

Kasama sa ikaapat na antas ang mga great great-grandparents, great aunts at uncles, first cousins, at grand nephews at nieces.

Ipinagbabawal din ng panukala na tumakbo ang mga asawa o kamag-anak ng mga opisyal upang agad silang pumalit sa parehong posisyon.

Politics

Extended? Suspensyon kay Rep. Barzaga, posibleng pahabain pa ng nakaambang 2nd ethics complaint

Pinagbabawalan din ang mga kamag-anak hanggang ikaapat na antas ng consanguinity o affinity ng mga pambansa at lokal na opisyal na tumakbo sa party-list system.

Binigyang-diin ni Hontiveros na ipinagbabawal ng 1987 Philippine Constitution ang mga political dynasty, ngunit dahil sa kawalan ng enabling law ay nagpatuloy ang pag-angat ng mga political clan, hanggang sa mahigit kalahati ng mga kasalukuyang opisyal ng pamahalaan ay nagmumula na sa mga dinastiya.

“The passage of an Anti-Political Dynasty Law is necessary to restore fairness in our electoral system, strengthen public institutions, and ensure that leadership in government is determined not by birth or inherited political machinery, but by merit, integrity, and a genuine and meaningful mandate from the people,” ayon sa paliwanag na tala ng naturang panukalang-batas.

Narito ang magkakapatid na sabay na nanungkulan sa kasalukuyang 20th Congress:

Magkapatid na Sen. Mark at Camille Villar

Magkapatid na Sen. Pia at Alan Peter Cayetano

Magkapatid na Sen. Erwin at Raffy Tulfo

Magkapatid na Sen. JV Ejercito at Jinggoy Estrada