Nagbabala si Vice President Sara Duterte sa publiko hinggil sa kumakalat na email message kamakailan na ginagamit ang kaniyang pangalan at Tanggapan ng Pangalawang Pangulo.
“Nais ko pong linawin na ang email address na ‘[email protected]’ ay hindi ko personal na account at hindi ito konektado sa ating opisina,” saad ni VP Sara sa kaniyang social media post nitong Martes, Marso 10.
Aniya pa, ang lahat ng opisyal na komunikasyon mula sa kaniyang tanggapan ay ipadadaan lamang sa mga beripikadong social media pages at opisyal na social media address na “[email protected].”
Ipinaalala pa ni Duterte na iwasang magbigay ng mga sensitibong impormasyon o pagtugon sa anumang hiling na nagmumula sa pekeng email address.
Kaya ipinanawagan rin ng Bise Pangulo sa publiko ang pagiging mapagmatyag laban sa panlilinlang at anumang uri ng katiwalian.