April 13, 2026

Home BALITA National

Sen. Robin, nakiisa sa petisyong 'Tay, Kami Naman' para kay FPRRD sa harap ng SC!

Sen. Robin, nakiisa sa petisyong 'Tay, Kami Naman' para kay FPRRD sa harap ng SC!
Photo courtesy: Sen. Robin Padilla (FB), File Photo

Personal na nagtungo si Sen. Robin Padilla sa harap ng tanggapan ng Supreme Court upang makiisa sa grupo ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang magsumite ng mga karagdagan pang pirma sa kanilang “Tay, Kami Naman!” movement. 

Matatandaang eksaktong isang taon ngayon ang unang anibersaryo ng pagtugis ng International Criminal Court (ICC) kay FPRRD at pagdala sa kaniya sa The Hague, Netherlands noong Marso 11, 2025. 

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Unang anibersaryo mula sa pagtugis ng ICC kay FPRRD hanggang sa pagdinig ng confirmation of charges

Ayon sa inupload na video ni Padilla sa kaniyang Facebook page nitong Miyerkules, Maraso 11, 2026, sinabi niyang pumunta siya sa nasabing lugar bilang miyembro ng partidong PDP-Laban at sumamang isulong ang petisyong “Tay, Kami Naman!” movement para sa dating Pangulo. 

“Ako po’y nandidito bilang miyembro ng PDP[...] Ako po’y nandidito para samahan ang ating mga kasama sa ‘Tay, Kami Naman,’” pagsisimula niya. 

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!

Dagdag pa niya, “Dahil kami po ay halos masasabi po natin na sa matagal na panahon, isang taon na po, medyo nangangamba na po ang maraming mga nagmamahal kay Digong.” 

Ani Padilla, naghahangad umano silang ilabas ng Korte Suprema ang desisyon nito kaugnay sa kung legal o ilegal ba raw ang pagkakaaresto kay FPRRD, sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pirmang nakalap nila mula sa taumbayan. 

“Kaya nangalap po kami ng mga tunay na pirma. Tunay na mga tao na pumirma po para ipakita po sa Supreme Court na naghahangad na po kami [ng] lahat ng desisyon nila kung ano po ba talaga,” aniya. 

“Kung ‘yong pagkakadala po ba sa aming mahal na tatay Digong ay legal o ilegal,” diin pa niya. 

Anang senador, marami na rin daw silang naisumiteng petisyon sa Korte Suprema upang ilabas na nito ang kanilang desisyon at isa raw siya sa mga pinaka-unang pumirma sa “Tay, Kami Naman!” movement. 

“Alam n’yo po, marami na po nai-file kasi dito na mga petisyon na hinihingi po natin sa ating mga Justices na desisyunan na po nila. Opo. Isa po tayo sa mga nauna,” saad niya. 

Paglilinaw naman ng isa sa mga kasama ni Padilla, “238,561 signatures. Combination po ‘yon no’ng first at second batch. Today, we filed 76,000 signatures…” 

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Pulong, inalala anibersaryo ng pagkakakulong ni Digong