April 13, 2026

Home BALITA

₱5k subsidy, ipamamahagi sa mga apektadong sektor ng pagtaas ng presyo ng krudo

₱5k subsidy, ipamamahagi sa mga apektadong sektor ng pagtaas ng presyo ng krudo
Photo courtesy: RTVM/YT, MB


Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian na magbibigay ang pamahalaan ng ₱5,000 tulong-pinansyal para sa mga indibidwal na labis na apektado ng krisis sa langis, bunsod ng girian sa Gitnang Silangan.

Sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO), kasama ang DSWD at Department of Transportation (DOTr) nitong Miyerkules, Marso 11, ibinahagi ni Sec. Gatchalian na ito raw ay raratsada na sa Martes, sa susunod na linggo.

“Ang direktiba ng ating Pangulo ay gamitin ang lahat ng mga programa ng DSWD para maprotektahan natin ang mahihirap, marginalized, the poor and the vulnerable,” saad ni Sec. Gatchalian.

Aniya, “Sa punto na ‘to, hindi na lang kasi sila public utility drivers kung hindi maituturing na natin silang indibidwal in crisis situation—dahil apektado na ang kanilang mga hanapbuhay.”

“So, ang napagkasunduan namin ng mga alkalde ng Metro Manila at later on, sa buong bansa, ay by Tuesday next week, sisimulan na natin ‘yong pagbigay ng tulong-pinansyal na naghahalaga sa ₱5,000 sa mga apektadong sektor na nabanggit ho namin,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kalihim, tuloy-tuloy daw ang pamamahagi ng ayuda sa mga indibidwal hanggang sa matapos ang nasabing programa.

“Simultaneous po ‘yan kaya ho tumulong kami sa mga mayors ng Metro Manila [dahil] hihiling kami ng tulong sa kanila dahil ‘yong mga tricycle drivers list [ay] manggagaling sa kanilang regulatory unit,” anang kalihim.

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!

“Tulad ng direktiba ng Pangulo, hindi na ito tatagal…as soon as Tuesday, tuloy-tuloy na ho ‘tong aarangkada hanggang sa matapos namin,” dagdag pa niya.