December 13, 2025

Home BALITA

'Pambihira ang utak mo!' Gadon, dismayado kay Sen. Imee

'Pambihira ang utak mo!' Gadon, dismayado kay Sen. Imee

Naghayag ng pagkadismaya si Anti-poverty czar Larry Gadon sa ginawang pasabog ni Senador Imee Marcos laban sa kapatid nitong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Matatandaang sinabi ni Sen. Imee sa malawakang kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na gumagamit umano ng droga ang kapatid niya.

Maki-Balita: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM

Sa latest Facebook post ni Gadon noong Lunes, Nobyembre 17, sinabi niyang hindi ang pangulo ang sinisira ni Sen. Imee kundi ang pangalan ng pamilya nito. 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Aniya, “Nakakadismaya itong ginagawa ni Senator Imee Marcos na ito na sinisira niya hindi si BBM kundi sinisira niya yung buong pangalan ng mga Marcoses.”

Bukod dito, tinuligsa rin ni Gadon ang pagkampi ni Sen. Imee sa mga magnanakaw. 

“Tapos ngayon ikaw pa ang kumakampi sa mga magnanakaw, ano ka ba! Pambihira ang utak mo Imee, hindi ko malaman kung saan mo nakuha yung utak mo,” saad niya.

Dagdag pa ni Gadon, “Si Sara walang ka pana-panalo yan sa pagka-presidente. Kayo lang ang nagsasalita ng ganyan sapagka't kinukundisyon niyo yung isip ng mga Pilipino.”

Sa huli, tinawag niya bilang “lumang tugtugin” ang alegasyong adik umano ang pangulo.

“At yang mga adik-adik na yan, lumang tugtugin na yan. Wala ng bumibili dyan. Kayo lang na bumibili dyan yung mga kulang, yung mga bobo,” saad ni Gadon.

Samantala, nauna nang bumwelta si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Use. Claire Castro sa paratang na ito ng senadora.

MAKI-BALITA: Castro sa akusasyon ni Sen. Imee na 'drug addict' umano si PBBM: 'Desperadong galawan'