Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa Lunes, Nobyembre 10 hanggang Martes, Nobyembre 11, at pansamantalang paghinto ng government work sa ilang rehiyon bukas ng Lunes, Nobyembre 10, bunsod pa rin ng pananalasa ng super bagyong “Uwan."
Ayon sa anunsyo, magkakansela ang klase sa Lunes at Martes, Nobyembre 10 at 11, 2025, sa mga sumusunod na rehiyon:
National Capital Region (NCR)
Cordillera Administrative Region (CAR)
Region I
Region II
Region III
Region IV-A
Region IV-B
Region V
Region VI
Region VII
Region VIII
Negros Island Region
Samantala, ang government work ay pansamantalang suspindido sa Lunes, Nobyembre 10, 2025, sa mga sumusunod na rehiyon:
NCR
CAR
Region I
Region II
Region III
Region IV-A
Region IV-B
Region V
Region VIII
Nagbabala ang mga awtoridad na ang bagyo ay may matinding lakas at maaaring magdulot ng malawakang pagbaha at landslide. Pinapayuhan ang publiko na manatili sa kanilang mga tahanan at sumunod sa mga tagubilin ng lokal na pamahalaan.
“Hindi biro ang lakas ng bagyong ito. Ingat po ang lahat at sundin ang mga pahintulot ng mga opisyal,” ayon sa pahayag ng DILG.
Patuloy na minomonitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang landas ng bagyo at magbibigay ng update kung kinakailangan ang karagdagang aksyon.