December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Tony Labrusca, humanga kay Kathryn Bernardo

Tony Labrusca, humanga kay Kathryn Bernardo
Photo Courtesy: Tony Labrusca, Kathryn Bernardo (IG)

Tila bumubuhos pa rin ang paghanga kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo sa kabila ng umuugong na bulung-bulungan sa relationship status nito.

Sa latest Instagram post kasi ni Kathryn noong Sabado, Nobyembre 1, ibinahagi niya ang suot niyang Halloween costume na inspired sa karakter ni Anne Hathaway sa pelikulang “The Princess Diaries."

“A princess? Shut up,” saad ni Kathryn sa caption.

Komento naman ng aktor na si Tony Labrusca, “Love the look ”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Minsan nang nagkatrabaho sina Kathryn at Tony sa ABS-CBN Primetime fantasy series na “La Luna Sangre” noong 2017. 

Dahil napalapit sa aktres, hindi nakaligtas sa bashing si Tony mula sa mga fan ng loveteam ni Kathryn at ng dati nitong jowang si Daniel Padilla.

Ngayong hiwalay na ang dalawa, kapuwa sila nali-link sa iba’t ibang personalidad. Matatandaang nagig usap-usapan noong Hulyo na kasama ni Kathryn sa kaniyang Australia trip si Lucena City Mayor Mark Alcala. 

Maki-Balita: Kathryn Bernardo, iniintrigang kasama si Mayor Mark Alcala sa Australia trip

Samantala, iniintriga namang may namumuo nang relasyon sa pagitan ni Daniel at ni Kaila Estrada, na nakasama niya noon sa action series na “Incognito.”

Maki-Balita: Daniel Padilla, Kaila Estrada mag-jowa na, ispluk ni Ogie Diaz