December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Glowing, not expecting!' Bea Alonzo busog lang, hindi buntis!

'Glowing, not expecting!' Bea Alonzo busog lang, hindi buntis!
Photo courtesy: @rhn.editss (TikTok) via Fashion Pulis/Bea Alonzo (IG)

Sinagot na ni Kapuso star Bea Alonzo ang mga kumakalat na tsismis na siya raw ay buntis, matapos maging usap-usapan online ang isang video at larawan kung saan tila may “baby bump” siya.

Sa nasabing video, makikitang sinorpresa ng housestaff si Bea sa kaniyang kaarawan habang kasama ang boyfriend na si Vincent Co.

Ngunit imbes na birthday greetings lamang ang umani ng pansin, napansin ng ilang netizens ang umano’y pagbabago sa katawan ng aktres, dahilan para kumalat ang haka-hakang magkaka-baby na sila ni Vincent.

Lumutang pa ang ilang espekulasyong matagal nang kasal ang dalawa, matapos ding mag-viral ang video na sinabi ni Bea na "Chinese na kasi ako."

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Agad namang nilinaw ni Bea sa Instagram post ang isyu kung saan ipinahayag niya ang kaniyang pasasalamat sa mga bumati sa kaniya.

“Thank you for all the birthday love. Feeling so grateful for another year of laughter, growth, and the people who keep me grounded,” ani Bea.

Kasabay nito, direkta rin niyang sinagot ang tanong ng mga curious netizens hinggil sa viral na larawan. Aniya, mali lang ang anggulo sa kaniya dahil nagmukhang malaki ang tiyan niya dahil kagagaling lang nila sa isang dinner.

“And for anyone curious about ‘the picture’ — just caught at a bad angle after an amazing dinner. Glowing, not expecting,” dagdag pa ng aktres.

Marami naman sa mga tagahanga ni Bea ang agad nagpaabot ng suporta at papuri sa kanyang pagiging kalmado at mahinahon sa pagsagot sa isyu.

Ayon sa kanila, natural lang na “mag-glow” si Bea dahil sa saya at pagmamahal na natatanggap niya, lalo na mula sa kaniyang mga mahal sa buhay.

KAUGNAY NA BALITA: Surprise birthday celeb kay Bea Alonzo, usap-usapan; netizens, may napansin