April 16, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Walang kuskos-balungos! Nico Locco, inangkin ang kumakalat na sex video

Walang kuskos-balungos! Nico Locco, inangkin ang kumakalat na sex video
Photo courtesy: Nico Locco/FB

Inamin umano ng Canadian-Italian actor na si Nico Locco ang tungkol sa kumakalat na sex video scandal, na isa sa mga pinagpipiyestahan ng mga netizen sa social media at pinagbebenta pa.

Matatandaang apat na mga aktor, kabilang sina Arron Villaflor, Ron Angeles, Gil Cuerva, at Nikko Natividad ang kabilang sa tinatawag na "Big Four" o apat na aktor na may sex video scandal.

Maki-Balita: Ibang Big Four pala? Sex scandal umano nina Arron Villaflor, Ron Angeles, Gil Cuerva, Nikko Natividad pinagpiyestahan!

Nauna nang naglabas ng kanilang mga pahayag tungkol dito sina Gil, Nikko, at panghuli nga ay si Arron.

Maki-Balita: Nagpakalat, lagot! Arron Villaflor, nagsalita na tungkol sa sex video scandal

Tsika at Intriga

Away-Kapamilya! ABS-CBN nagsalita sa isyu ng 'shut down,' alitan ng pamilya Lopez

Nitong Marso 8, lumutang din ang pangalan ni Nico na umano'y may sex video scandal din.

Maki-Balita: Gil Cuerva, nagsalita na tungkol sa umano'y sex scandal niya

Maki-Balita: 'Relax lang kayo dyan!' post ni Ron Angeles, para ba sa mga nakapanood ng umano'y sex video niya?

Maki-Balita: Napanood na kasi! Nikko Natividad, inamin sa misis tungkol sa sex video dahil 'wala nang lusot'

Maki-Balita: Nagpakalat, lagot! Arron Villaflor, nagsalita na tungkol sa sex video scandal

Batay sa ulat ng PEP, inamin daw ni Nico na siya ang nasa nabanggit na sex video.

"Yes, it's me," saad daw ng aktor, na lumabas na sa ilang mga sexy movies ng VMX (dating Vivamax).

Saad pa ng PEP, sa lahat daw ng mga aktor na na-involve, si Nico raw ang kauna-unahang umamin bago pa man daw maglabas ng mga pahayag sina Gil, Nikko, at Arron.

Marso 4 pa lamang daw, umamin na si Nikko na siya raw ang lalaking makikita sa isang screenshot na larawan kasama ang isang babae na umiikot-ikot at ipinakakalat sa social media.

“Nagulat ako sa umpisa dahil nakita ko ang isang screenshot with my face in it with a girl na similar sa mga other sex videos going around at the moment," pahayag daw ni Nico sa panayam sa kaniya ng PEP.

Ayon pa raw sa aktor, pinaninindigan daw niya ang video dahil iyon daw ang totoo.

"Pero kung may lalabas na sex video with me in it, hindi ko sasabihin na hindi ako 'yon. If it’s me, it’s me, ganoon. I will own up to it. I am not one who backs out of the truth," aniya pa.

Hindi naman nabanggit sa ulat kung may legal na hakbang na gagawin si Nico laban sa taong nasa likod ng pagpapakalat ng nabanggit na sex video. 

Bukod kay Nico, isa pa sa mga aktor na nadagdag sa listahan ng mga may sex video ay si Kobe Paras, pero pinabulaanan na ito ng kaniyang amang si Benjie Paras, sa panayam din ng PEP.